New Small Business Permit Facilitator and Dedicated Permit Services
Pinabilis na mga serbisyo ng pahintulot para sa pagpuno ng mga bakanteng tindahan sa bayan at mga maliliit na negosyo sa buong lungsod
Ang Seattle Department of Construction and Inspection (SDCI) ay nag-aalok na ngayon ng mga dedikadong serbisyo ng pahintulot para sa mga mangungupahan ng mga bakanteng tindahan sa bayan at maliliit na negosyo sa buong lungsod. Ang mga nangungupahan sa bayan at mga maliliit na negosyo ay hindi proporsyonal na naapektuhan sa panahon ng pandemya na ito. Ang layunin ng bagong serbisyo na ito ay magbigay ng agarang pagtuturo sa mga nangungupahan bago ang pagpirma ng isang lease, upang mabawasan ang mga magastos na kakailanganin, at itakda ang mga negosyo para sa tagumpay sa pamamagitan ng pagbawas sa oras na kinakailangan upang makakuha ng pahintulot.
Noong Agosto 2021, inaprubahan ang bagong batasan upang mag bigay ng higit na kakayahang umangkop sa uri ng mga negosyo na pinapayagan sa antas ng kalye sa bayan at hikayatin ang paggamit ng mga puwang na ito ng mas malawak na hanay ng mga gumagamit kabilang ang mga pop-up na negosyo, pasilidad ng sining, at mga puwang ng manggagawa. Bilang suporta sa tumataas na kakayahang umangkop at pagbangon ng ating bayan, anumang negosyo na nagnanais na umukopa ng isang bakanteng espasyo ng tindahan sa bayan (tingnan ang mapa) ay maaaring makakuha ng pagtuturo para sa dedikadong pahintulot mula sa isang punto ng pakikipag-ugnayan sa SDCI at mabilisan na proseso para sa pahintulot.
Ang SDCI ay nakikipagtulungan sa Office of Economic Development (OED) upang mag-alok ng pinabilis na mga serbisyo ng pahintulot sa maliliit (50 empleyado o mas kaunti) at micro (5 empleyado o mas kaunti) na mga negosyo. Ang OED ay maaaring magbigay tulong sa mga maliliit at micro na negosyo na tahakin ang makukuhanang mga pakikinabangan, mga pagkakataon sa panpopondo, pati na rin ang mga kinakailangan at regulasyon upang magpatakbo ng isang negosyo sa Seattle. Ang pagtutulungan ng SDCI at OED ay mag susuporta rin sa pag-akseso sa negosyo sa mga mapagkukunang pinansyal, mga serbisyo sa disenyo ng komersyal na espasyo, at mga serbisyo ng pahintulot para sa programa tulad ng Tenant Improvement Program.
Ang mga serbisyo na ibinibigay sa mga kwalipikadong aplikante ng pahintulot ay kinabibilangan ng:
Pananaliksik at pagtuturo sa agarang pahintulot
- Ang tagapagpadaloy ay magsasaliksik ng ari-arian para sa pinakabagong impormasyon hinggil sa pahintulot
- Bumuo ng estratehiya sa pagpapahintulot kaugnay sa karamihan ng naka-streamline na mga opsyon sa pagpapahintulot
- Sikapin na mabawasan ang mamahalin na mga kinakailangan na maaaring makadagdag sa mga gastusin sa konstruksyon o ang pagiging komplikado sa uri ng pahintulot
- Suriin ang materyal ng aplikasyon ng pahintulot sa pagkakumpleto bago ang pag sumite
Pinabilis ng mga serbisyo sa pagpapahintulot
- Prayoridad na pagkikita para sa inyong aplikasyon ng pahintulot
- Pinaiksing timeline para sa pagkukumpleto ng pagsusuri ng plano
- Mangyaring magkaroon ng kamalayan na ang iba pang mga kagawaran at pagsusuri sa labas ng SDCI ay maaari pa rin na kakailanganin at magkaroon ng iba’t ibang mga timeline
- Nag-iisang punto ng pakikipag-ugnayan para sa aplikante ng pahintulot
Mangyaring makipag-ugnayan kay Peter Fuerbringer sa Peter.Fuerbringer@Seattle.gov o tumawag sa (206) 233-7013 para sa karagdagang impormasyon sa pagkuha ng pahintulot para sa isang bakanteng tindahan sa bayan.
Mangyaring makipag-ugnayan kay Ken Takahashi ng Office of Enomic Development sa Ken.Takahashi@seattle.gov para sa impormasyon sa pagkuha ng tulong ukol sa mapagkukunan/pahintulot bilang isang maliit na negosyo. Tumingin din sa website ng OED para sa impormasyon sa mga darating na programa.